Archive for the ‘LP’


LP-Malungkot

malungkot.jpg

ang malungkot na payaso :sad:

Ngayon ko lang napansin ang kakaiba sa koleksyon ng payaso dito sa bahay. Ang unang sumagi sa isipan ko ng makita ko ito ay ang awit ni ka Fredi …

Sari-saring problema
Ang sa ulo mo’y tumotorta
Lahat na halos ng paraan
Sinubok mo ngunit ‘di umubra
Ba’t ‘di ka tumawa, tumawa ka
Tawanan mo ang ‘yong problema

‘Di mo dapat dibdibin
At ‘wag mong masyadong isipin
Libangin mo ang iyong sarili
Tawanan mo ang iyong problema
Tumawa ka, bakit hindi
Tawanan mo ang ‘yong problem

Ganyan nga, kaibigan
Tawanan mo ang iyong problema
‘Wag mong isipin nang todo
Baka ikaw ay maloko
Tumawa ka, bakit hindi
Tawanan mo ang ‘yong problema

Tumawa ka, bakit hindi
Tawanan mo ang ‘yong problema

LP- Hugis ay pahaba

Huwebes na naman pala mga kabayan at oras na naman ng ating linguhang pagkikita- kita sa pamamagitan ng litratong pinoy. Kumusta na kayo dyan? Nawa’y maayos pa rin tayong lahat. O siya ito ang aking nahanap sa baul ang kuha ko sa pahabang tren ang pangunahing pampublikong sasakyan dito.

Maligayang Huwebes sa lahat at hanggang sa muli!


Photobucket - Video and Image Hosting

LP- Apat na Kanto


Photobucket - Video and Image Hosting


Ang aking mga mina ni obra

Ang mga pinta na yan ay gawa sa sa mga papel serbilyeta (paper napkins). Ang tawag sa kasanayan sa gawaing-kamay (handicraft) na iyan ay paper napkin applique. Ang mga papel serbilyeta ay pwedeng idesenyo sa mga pagbating tarheta (greeting cards), plato, baso, plurera, paso at kung ano pa. Pumili ako ng magandang disenyo ng mga papel serbilyeta at ito’y aking idinikit sa lona (canvas) gamit ang panikit (paint applique glue) at isang escobang pangpinta (paintbrush). Nagustuhan ko ang paraan ng sining na ito dahil di naman ako marunong mag pinta o gumuhit man lang. Kaya sa pamamagitan niyan may na mani obra ako. :grin:

LP- Tatlo ang sulok ko


Photobucket - Video and Image Hosting

Tsokolateng Tatsulok

Ito ay regalong aking natanggap noong Araw ng Pagkabuhay ni Hesus. Mabuti at aking naitago nang sa gayon ay may naipasa ako sa Litratong Pinoy. Pagkatapos ko siyang nakunan ng larawan, inihanda ko siya sa aming mesa habang ang aking kabiyak ay nanonood ng telebisyon. Pagbalik ko muntik nang wala akong naabutan pa. :lol:

Maligayang Huwebes po sa inyong lahat saan man dako kayo ng mundo.

LP 1- Ako ay BILOG

Sa unang ratsada ng Litratong Pinoy, ipinaghanda ko kayo ng Bilog! At para na rin sa aking mga bagong bisita sanay pagdamutan niyo ang aking nakayanan. Bola-bola kayo dyan! Sa inyo na ang siopao :lol:


Photobucket - Video and Image Hosting

  • Spam Blocked