LP-Malungkot
ang malungkot na payaso
Ngayon ko lang napansin ang kakaiba sa koleksyon ng payaso dito sa bahay. Ang unang sumagi sa isipan ko ng makita ko ito ay ang awit ni ka Fredi …
Sari-saring problema
Ang sa ulo mo’y tumotorta
Lahat na halos ng paraan
Sinubok mo ngunit ‘di umubra
Ba’t ‘di ka tumawa, tumawa ka
Tawanan mo ang ‘yong problema‘Di mo dapat dibdibin
At ‘wag mong masyadong isipin
Libangin mo ang iyong sarili
Tawanan mo ang iyong problema
Tumawa ka, bakit hindi
Tawanan mo ang ‘yong problemGanyan nga, kaibigan
Tawanan mo ang iyong problema
‘Wag mong isipin nang todo
Baka ikaw ay maloko
Tumawa ka, bakit hindi
Tawanan mo ang ‘yong problemaTumawa ka, bakit hindi
Tawanan mo ang ‘yong problema








nakangiti ang payaso pero malamlam ang mga mata…
good one!
Matutuwa si Kuya Germs sa lahok mo ngayong linggo, Mousey!
Gandang Huwebes sa iyo!
Naalala ko yung kanta na ‘life is a three ring circus.’ totoo naman na sa likod ng mga payaso ay ang malungkot na mukha! Magandang lahok ito! Gandang huwebes!
si k’germs din ang naalala ko, hehehe. magandang araw ng huwebes…
I love the look!
Napakagandang larawan. Malungkot nga siya, aba, hindi madali ang maging masaya na suot ng damit payaso at me makapal ng palamuti sa mukha.
Araw ng Paggawa dito sa Pilipinas, magandang Huwebes sa iyo, Mousey
malungkot na payaso! ang galing
Hi mousey. love this photo…
ang kalungkutan talga ay na kikita sa mata tulad ng payasong ito
magandang huwebes sa’yo…
awwwwwww ang sad nya talaga!
Di ba ganyan naman kadalasan ang mga payaso… sa likod ng masayang pinta sa kanilang mukha ay ang kalungkutan. Nalulungkot ako pag tinitignan ko ang payaso sa larawan mo
Maligayan Huwebes!
ako naman naalala ko si Kuya Germs hehe, may koleksyon din syang payaso. maganda ang lahok mo
http://jennys-corner.com/2008/04/litratong-pinoy-5-malungkot-sad.html
perfect picture of irony
pareho tayo halos ng konsepto ng litrato
good take on the theme!
magandang araw sayo!
Mahirap tawanan ang problema. Huwag lang natin kakalimutan na hindi lang puro problema ang buhay. Maraming nakapagpapasaya, nakapagpapangiti, at hinding-hindi ka dapat padadaig sa mga pampam na problema:D
talagang nakikita ang lungkot sa mga mata noh
galing! gusto ko din ng koleksyon mo
ay, ako naman eh takot sa payaso. something about the way they look. but love the photo though
bakit nga ba ganuon? sadyang ang mga nakikita ko ring payaso ay malulungkot ang mata?
nagkokoleksyon ako nito nuon, kaso isang kasambahay ko nagalit sa akin..ang ginantihan ay isang payaso ko, ginilitan ng leeg
Sa tingin ko inaantok ang payasong iyan… ang ganda naman ng collection mo… hindi ba yan gumagalaw kapag gabi? Naku, mag-ingat
alam mo naalala ko si… kuya germs
malamlam ang mga mata nya para sa isang payaso.. magandang huwebes!
My LP Entry
sa mga mata nakikita ang kalungkutan, sa ilalim ng isang maskarang nakangiti.
naalala ko tuloy si kuya germs. hehe!
magandang huwebes!
nasa mata talaga nakikita ang tunay na nararamdaman. kahit nakangiti, alam mong may mas malalim na saloobin. mahusay ang larawang ito.
ang totoo.. takot ako noon sa mga manikang payaso kasi parang nakakaloko ang ngiti nila…
nakakalungkot nga makakita ng ganito.(yun ay kapag totoong tao na ang pinag-uusapan).
=)
may lungkot sa yong mga mata..
at kay bigat ng yong dinadala.. hahaha
nice one!
http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/04/lp-5-malungkot.html
tuwing nakakakita ako ng payaso, hindi ko talaga sila ma-associate with fun, laging kalungkutan. kasi parang tinatago nila yung totoong nararamdaman nila sa likod ng makeup. parang tayo rin, bilang normal na tao, may mga payaso moments.
MyMemes: LP Malungkot
MyFinds: LP Malungkot
parang pagod na ang payaso magpatawa. very sad eyes
natawa ako sa kuya germs comment ni christine. cute ng clown. hindi ako nalungkot. hee hee.
naalala ko bigla ang collection ni kuya germs at ang kantang send in the clowns. tunay ngang mahirap magpatawa kasi kahit na malungkot, kelangan nilang maging masaya at magpasaya ng ibang tao.
happy weekend!
kapag binabasa ko ang tulang “please hear what i am not saying” lagi akong nakakaisip ng payaso kasi totoo nga naman na hindi porke makulay ang mukha o ang buhay ay masaya na…