LP- Apat na Kanto
Ang aking mga mina ni obra
Ang mga pinta na yan ay gawa sa sa mga papel serbilyeta (paper napkins). Ang tawag sa kasanayan sa gawaing-kamay (handicraft) na iyan ay paper napkin applique. Ang mga papel serbilyeta ay pwedeng idesenyo sa mga pagbating tarheta (greeting cards), plato, baso, plurera, paso at kung ano pa. Pumili ako ng magandang disenyo ng mga papel serbilyeta at ito’y aking idinikit sa lona (canvas) gamit ang panikit (paint applique glue) at isang escobang pangpinta (paintbrush). Nagustuhan ko ang paraan ng sining na ito dahil di naman ako marunong mag pinta o gumuhit man lang. Kaya sa pamamagitan niyan may na mani obra ako. ![]()





napaka-creative naman! pareho tayo, wala akong talent sa art kaya natutuwa na lang akong maki-usyoso sa obra ng iba.
maligayang huwebes!
MyMemes: LP Parisukat
MyMemes: LP Parisukat
ang ganda naman nito.. ang galing mo ha, kaw gumawa nito?
Ayos ah! Super creative! Gusto ko sya! At pati na rin yang lamp mo hehe
Eto nagbloghop na kasama si tina! Hahahaha
ang cool ng kulay…nakaka relax…
swak na swak sa tema….kwadrong-kwadro.
makikibati na rin ng…maganda ang lamp mo! type ko!
Para sa tagamasid lang ng mga obra na tulad ko, isang magandang ideya iyang proyekto mo! Susubukan ko nga alamin ang proseso, baka may pag-asa ako matutunan ito =)
Wow! Ang galing!!
gusto ko siya at bagay siya sa maputing ding-ding!
ang ganda! gusto kong gayahin. salamat sa pagtuturo ng paraan kung paano mo ito ginawa.
hanga ako sa iyong angking galing sa paglikha…at pagkuha rin ng larawan.
Parisukat sa Mapped Memories
Parisukat ni Munchkin Mommy
Wow! Wow! Paper napkins lang yan?! Mukhang totoong mga obra maestra na galing sa isang art gallery. Maganda ang mga prints… nag bigay buhay sa punting dingding.
Wow, Mousey, ngayon ko lang narining ang sining na ito at tunay na napaganda ng iyong mga obra! Thanks for sharing!
ayos ah…
magandang araw sa’yo!
Ang galing naman. Bilib ako.
Good idea mousey JU! akala ko painting sa unang tingin. beautiful indeed!
ang gaganda naman ng gawa na yan. happy weekend!
Tita J, galing ha! marami nga tayong magagandang paper napkins…naku patay, ‘narinig’ ni Lino, kolektor ng paper napkins yan eh ha ha!
ang ganda ng kulay ng mga obra
type ko ang kulay… panalo!
nice shots.. nice artworks!
wooow! obra maestra nga! hehehe.. to think na paper napkins ang mga yan! ang galing-galing! ang lalim pa ng mga tagalog mo.. hehe..
hanggang sa susunod na huwebes!
ang galing naman nang mga obra mo! isama na rito pati ang iyong pagkuha nang litrato sa mga ito.
kitakits ulit sa darating na huwebes, happy weekend!
Napaganda ng mga parisukat na yan ang magaling ang iyong pagkakagawa. Napak ganda rin ng kulay nila. Bagay na bagay ngang pang-dekorasyon sa bahay!
ang galing mo naman!
wala kasi akong talento sa ganyan e. bagay na bagay na lahok! magandang weekend!
Only The Good Stuff
My Cyber-Life
ang galing naman ng ginawa mo. nakakainggit kasi ako bumabagsak sa arts and craft ko nung elemtary
ang ganda kaya! ako walang ka-art art
malikhain at matipid (kasi mahal din ang mga obra
) kahit linggo linggo iba ang tema, ayos!
maligayang LP!
oo nga napaka creative mo ,. salamat sa idea. pwede ko ding magamit ito