LP- Tatlo ang sulok ko
Tsokolateng Tatsulok
Ito ay regalong aking natanggap noong Araw ng Pagkabuhay ni Hesus. Mabuti at aking naitago nang sa gayon ay may naipasa ako sa Litratong Pinoy. Pagkatapos ko siyang nakunan ng larawan, inihanda ko siya sa aming mesa habang ang aking kabiyak ay nanonood ng telebisyon. Pagbalik ko muntik nang wala akong naabutan pa.
Maligayang Huwebes po sa inyong lahat saan man dako kayo ng mundo.




